Imbestigasyon ng Ombudsman sa mga supporters nina Binay at Poe hindi harassment
Walang nakikitang dahilan ang Malacanang para matakot ang mga negosyante sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa umanoy sweetheart deal na pinasok ng mga G.F.I o Government Financial Institutions noong 2009.
Patungkol ito sa pagbebenta ng mga GFIs ng ilang Meralco shares na nagkakahalaga noon ng 60 pesos sa mahigit na 90 pesos.
Kahina-hinala daw kasi ang imbestigasyon ng Ombudsman dahil posibleng pananakot ito sa mga negosyanteng kilalang mga taga-suporta nina Vice-President Jejomar Binay at Sen. Grace Poe na siyang makakalaban ng pambato ng administrasyon sa 2016 na si dating DILG Sec. Mar Roxas.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang Ombudsman ay isang Independent Office na matapang na binabantayan ang kanilang mandato sa ilalim ng mga umiiral na batas.
Dagdag nito, kung sino, paano at ano man ang gustong imbestigahan ng Ombudsman ay hindi nakiki-alam ang Malacanang.
Hirit pa ni Lacierda, mas makabubuting harapin na lamang sa tamang venue ang mga kasong kinakaharap ng sinuman at hindi na dapat pang gamitin ang mga ito sa ngalan ng pulitika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.