North Korean media, pinuri ang unified team ng North and South Korea sa Winter Olympics

By Rhommel Balasbas February 12, 2018 - 02:59 AM

 

Pinaulanan ng papuri ng North Korean media ang mga manlalaro at tagasuporta ng women’s ice hockey team ng North at South Korea sa kanilang unang laban sa Winter Olympics 2018 sa Pyeongchang.

Hindi pinansin ng Korean Central News Agency ang 8-0 defeat ng unified team kontra Switzerland.

Ayon sa KCNA, ang paglalaro ng mga atleta at ang pagsuporta ng cheering groups ay tila nagparamdam sa mga manonood na ang dalawang bansang Korea ay nananatiling isang bansa na hindi pwedeng maihiwalay sa isa’t isa.

Suot-suot ang outfit na pinaghalong pula at puti ay proud na proud na iwinagayway ng mga kababaihan mula sa NoKor ang unified flag at isinigaw ang katagang “ban gap seup nee da” o sa Ingles ay ‘nice to meet you’.

Ang naturang cheer ay ikinamangha ng mga manonood.

Samantala, personal na nanood ng laban ng unified team si Kim Yo Jong, ang babaeng kapatid ni North Korean leader Kim Jong Un kasama ang ceremonial head of state ng kanyang bansa at si South Korean President Moon Jae -in.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.