P100-M pondo para sa research sa Philippine Rise, ipinanukala sa Kamara
Pormal nang inadopt ng Kamara ang isang resolusyon na humihimok sa ehekutibong sangay ng pamahalaan na paglaanan ng pondo ang karagdagang research at feasibility studies sa Philippine Rise.
Nakasaad sa House Resolution No. 1636 na kailangang bumuo ng isang trust fund na may seed amount na P100 milyon para sa Philippine Rise research.
Ang nasabing pera para dito ay hahawakan at pamamahalaan ng National Coast Watch Council.
Ilalaan ang pondo para sa pananaliksik, feasibility studies at marine exploration para sa mga mineral deposits, energy sources at iba pang resources, pati na ang pagbili ng mga bagong kagamitan.
Matatandaang noong 2012 ay ibinigay ng United Nations Commission on the Limits of Continental Shelf ang undisputed maritime claim sa mahigit 13 milyong ektarya ng undersea plateu sa silangang baybayin ng Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.