Presidential at Vice-Presidential debates sa Pebrero na

By Isa Avendaño-Umali September 30, 2015 - 03:28 PM

Andres Bautista
Inquirer file photo

Naghahanda na ang Commission on Elections o Comelec para sa tatlong Presidential debates kaugnay sa halalan 2016.

Ibinase ng Comelec ang pahayag kaugnay sa mga panuntunang nakapaloob sa Republic Act 9006 o Fair Election Act.

Sa panayam sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, kinumpirma ni Comelec Chairman Andres Bautista na may petsa na ang tatlong Presidential debates, maging ang isang Vice Presidential debate.

Ang unang debate ng Presidential candidates ay gaganapin sa Mindanao sa February 2016; ang ikalawa ay sa Visayas sa March 2016; at ang huli ay sa Luzon sa April 2016. Ang media organizers ng mga ito ay ang GMA-Philippine Daily Inquirer; ABS-CBN-Manila Bulletin at TV5-Philippine Star.

Ang Business Mirror at CNN Philippines naman ang lead media organizations para sa debate ng mga kandidato sa pagka-Bise Presidente, na gagawin sa April 2016.

Inihambing naman ni Bautista sa nakalipas na Pacquiao-Mayweather boxing match ang gagawing live feed para sa Presidential debates, kung saan mapapanuod ito sa lahat ng mga network.

Sinabi ni Bautista na sa darating na Biyernes ay makikipagpulong ang Comelec sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas o KBP upang isapinal ang rules and regulations para sa mga debate. Nilinaw naman ni Bautista na walang pilitan sa hanay ng mga kandidato kung dadalo o hindi sa mga debate.

Posible aniyang gawin ang mga debate sa mga paaralan o pamantasan.

TAGS: andres bautista, comelec, presidential debate for 2016 elections, andres bautista, comelec, presidential debate for 2016 elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.