Pagpirma sa free irrigation law, malaking hakbang para sa mga magsasaka – Rep. Casilao

By Angellic Jordan February 11, 2018 - 08:17 AM

Inquirer file photo

Pinuri ng isang makakaliwang kongresista ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa free irrigation law.

Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, malaking hakbang ang batas sa kampanya para sa mas mabuting pamumuhay ng mga Pilipinong magsasaka.

Dapat lang aniyang ibigay ang papuri sa Punong Ehekutibo.

Ayon naman kay Sen. Ralph Recto, magbubukas ng madaming pinto ang batas para sa pag-unlad ng irigasyon sa bansa.

Maaari aniyang umaksyon ang National Irrigation Administration (NIA) basunod ng inilaang dagdag na pondo ngayong taon.

Dagdag pa nito, maaari ring isama ni Duterte ang irigasyon at iba pang farm insfratructure sa “Build, Build, Build” program ng administrasyon.

TAGS: Anakpawis Rep. Ariel Casilao, free irrigation law, magsasaka, National Irrigation Administration, Anakpawis Rep. Ariel Casilao, free irrigation law, magsasaka, National Irrigation Administration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.