Binabantayan ngayon ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na nasa bahagi ng Mindanao.
Ayon sa weather bureau, huling namataan ang naturang kaulapan sa 1,760 kilometro, silangan ng Mindanao.
Sa abiso ng PAGASA, posibleng pumasok ang naturang LPA sa Pilipinas ngayong araw at mayroon ding tsansa na maging isa itong tropical depression.
Samantala, magdadala naman ang amihan ng maulap na papawirin sa mga rehiyon ng Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region, habang mararanasan naman ang mga manaka-nakang pag-uulan sa rehiyon ng Ilocos.
Manaka-nakang pag-uulan rin ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa na dulot naman ng mga localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.