Pagpabor ng SC sa martial law extension, welcome sa mayor ng Marawi

By Kabie Aenlle February 10, 2018 - 07:08 AM

Ikinatuwa ni Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra ang desisyon ng Korte Suprema na pagtibayin ang isang taon pang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Sa botong 10-5, idineklara ng Korte Suprema na naaayon sa Saligang Batas ang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na martial law extension, bilang desisyon sa mga petisyong inihain kontra dito.

Matatandaang naghain ng petisyon ang grupo nina Albay Rep. Edcel Lagman, dating Commission on Human Rights (CHR) chairperson Etta Rosales at isa pang grupo na pinangunahan naman ng isa sa mga bumuo ng 1986 Constitution na si Christian Monsod.

Naniniwala si Gandamra na sa makakatulong ang martial law extension para tuluyang mapigilan ang recruitment pa ng mga teroristang Maute Group.

Maliban dito, inaasahang makakatulong din ito sa mas mabilis na rehabilitasyon sa Marawi City dahil mas mabibigyang seguridad ang mga contractors na nagbibigay serbisyo sa lungsod.

Samantala, bukas din kay Gandamra ang plano ng pamahalaan na magtayo ng kampo ng militar sa Marawi City.

Ayon kay Gandamra, sa pamamagitan ng presensya ng militar ay agad mareresolbahan ang mga banta sa seguridad sa Marawi City.

Magtatagal pa hanggang Disyembre ngayong taon ang pagpapairal ng batas militar sa Marawi City upang matiyak na hindi na muling sisiklab ang gulo dulot ng mga teroristang grupo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.