ICC walang hurisdiksyon para siyasatin ang umano’y EJKs sa bansa ayon sa OSG

By Len Montaño February 09, 2018 - 08:42 PM

Radyo Inquirer File Photo

Iginiit ng abogado ng gobyerno na walang hurisdiksyon ang International criminal court sa alegasyon ng crimes against humanity laban kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Office of Solicitor General Spokesman Atty. Erik Dy, pwede lamang manghimasok ang ICC kung hindi na kaya ng korte sa bansa na magsagawa ng tamang proceedings.

Hindi naman anya pagbabawalan ang ICC na magsagawa ng preliminary examination pero ibang usapin anya ang assumption of jurisdiction.

Dagdag ni Dy, sapat ang mga batas sa bansa para tugunan ang isyu ng umanoy extra judicial killings sa gitna ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Una nang sinabi ng ICC na magsasagawa sila ng preliminary examination sa mga krimen na umanoy ginawa ng gobyerno ng pilipinas mula nang maupo si Duterte sa pwesto noong July 1, 2016,

Bagay na minaliit naman ng Malakanyang.

Gayunman, tiniyak ng ICC na isasagawa ng pagsusuri ng may full indipendence at impartiality alinsunod sa mandato nito at kaukulang legal na paraan ng international court.

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, War on drugs, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.