Mga estudyante kinalampag ang CHEd sa pagtataas ng bayarin sa mga higher educational institutions
Nagsagawa ng kilos protesta ang mga kabataan at mga estudyante sa tanggapan ng Commission on Higher Education (CHEd) para kondenahin ang anila ay nakaambang pagtaas ng tuition at iba pang school fees sa 400 higher educational institutions (HEIs).
Ang grupo ay pinangungunahan ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), na binatikos din ang patuloy na pagkulekta ng tuition and other school fees o TOSF sa mga state universities and colleges (SUC).
Ayon kay Raoul Manuel, NUSP deputy secretary general, inutil ang CHEd kaya patuloy nakapaniningil at nakapagtataas pa ng TOSF ang mga eskwelahan.
Sa isinagawang pag-aaral ng NUSP, noong 2016, nagkaroon aniya ng P600 million na dagdag kita ang University of the East, Lyceum of the Philippines University, at Far Eastern University dahil sa pagpapatupad ng dagdag sa TOSF.
Binanggit din ng mga nagprotesta na sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang mga estudyante ay inoobliga na magbayad ng miscellaneous fees na ang halaga ay nasa P1,500 hanggang P6,000.
Hiling ng grupo sa CHEd, aksyunan naman ang mga paaralan na patuloy na nagpapatupad ng taas singil sa mga bayarin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.