11,000 drug personalities nasa watch list ng PNP, target ng Oplan Tokhang

By Dona Dominguez-Cargullo February 09, 2018 - 02:49 PM

Inquirer File Photo | Marianne Bermudez

Aabot sa 11,000 drug suspects ang nasa watch list ngayon ng Philippine National Police (PNP) at target ng Oplan Tokhang operations.

Ang 11,000 mga pangalan ay validated na ayon kay PNP deputy spokesperson Superintendent Vimellee Madrid.

Sinabi ni Madrid na inaasahang madaragdagan pa ang nasabing bilang habang patuloy ang validation sa iba pang pangalan.

Katunayan noong December 2017 aniya ay nasa 10,300 ang bilang ng nasa watch list at bigla itong tumaas sa 11,000 matapos ang validation.

Kasama sa listahan ang mga high-value targets, big time pushers, at street level drug suspects.

Tiniyak ni Madrid na mahigpit na proseso ang pinagdaraanan ng kanilang validation.

Sa pagpapatuloy ng Oplan Tokhang ng PNP, kakatukin ng mga Tokhangers ang bahay ng 11,000 validated drug personalities para sila ay pakiusapan na kusang sumuko at magbagong buhay.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: drug watchlist, Oplan Tokhang, PNP, Radyo Inquirer, drug watchlist, Oplan Tokhang, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.