Fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, kinilig sa bago nilang commercial
Nabuhay ang kilig ng fans nga tambalang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Kasabay kasi ng pag-post ni Megastar ng throwback picture nila ni Gabby sa kanyang instagram account – lumabas naman ang McDonalds’ commercial ng dalawa.
Balik kilig ika nga ang mga fans nang mapanood ang nasabing commercial na inilabas ngayong araw lang sa Facebook.
Ang nasabing commercial ay may tagline na “noon pa man, love mona sila” at may hastag na ShaGabLovesMcDo.
Apat na oras matapos mai-post sa Facebook page ng McDo ang commercial, umabot na sa halos 1 milyon ang views nito at mahigit 34,000 shares.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.