Paglilitis sa kaniyang kaso kaugnay sa Mamasapano encounter, ipinatitigil muna ni dating P-Noy sa Sandiganbayan
Hiniling ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa Sandiganbayan na itigil ang paglilitis sa kaniya sa kasong may kaugnayan sa Mamasapano encounter.
Sa kaniyang isinumiteng manifestation sa Sandiganbayan 4th Division, sinabi ni Aquino na dapat suspendihin muna ng korte ang proseso hangga’t hindi pa nareresolba ang kaniyang mosyon na humihiling na mabasura ang mga kaso.
Si Aquino ay nahaharap sa mga kasong usurpation of authority at graft sa Sandiganbayan kaugnay sa engwentro na naganap sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force o SAF.
Ang pagbasa ng sakdal kay Aquino para sa nasabing mga kaso ay itinakda ng korte sa susunod na linggo, February 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.