Mga pulis na nahuling natutulog at nag-iinuman sa oras ng trabaho, kahihiyan sa PNP ayon kay DILG Sec. Año

By Dona Dominguez-Cargullo February 09, 2018 - 11:15 AM

Tinawag ni Department Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ‘kahihiyan’ sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na nahuling natutulog at nag-iinuman sa oras ng kanilang duty.

Tiniyak ni Año na mapapatawan ng parusa ang mga pulis dahil sa dereliction of duty, conduct unbecoming at iba pang mga kasong administratibo.

Ang mga pulis na tinutukoy ni Año ay ang mga naaktuhan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde sa isinasagawa nitong pag-iikot sa gabi sa mga istasyon ng pulisya.

Sinabi ni Año na hindi karapat-dapat ang nasabing mga pulis sa tinanggap nilang malaking dagdag-sweldo dahil sa kanilang ipinakita ay maituturing silang kahihiyahan sa hanay ng pambansang pulisya.

Ngayong malaki na aniya ang sweldo ng mga pulis, walang kahit na anong dahilan para sila ay maging tamad o maging tiwali.

 

 

 

 

TAGS: caloocan, Muntinlupa City, NCRPO, Pasay City Police, quezon city, sleeping cops, caloocan, Muntinlupa City, NCRPO, Pasay City Police, quezon city, sleeping cops

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.