60 OFWs mula Kuwait, nakabalik na ng bansa
Dumating na sa bansa ang 60 pang distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) galing Kuwait.
Dumating sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) alas 6:40 ng umaga ang Philippine Airlines flight PR 669 na sinasakyan ng mga OFW.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) karamihan sa mga napauwing OFW ay biktima ng pangmamaltrato ng kanilang amo, hindi sinuswelduhan at iba pang uri ng pang-aabuso.
Ang iba naman, pinauwi dahil paso na ang kanilang kontrata.
Ito na ang ikatlong batch ng mga OFW na nakakauwi sa bansa galing Kuwait makaraang magpatupad doon ng amnesty program para s amga overstaying na foreign workers.
Noong February 2 dumating ang unang batch ng distressed OFWs kung saan aabot sa 39 ang nakauwi. Nasundan ito ng ikalawang batch noong February 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.