Pag-autopsy ng PAO sa mga batang hinihinalang biktima ng Dengvaxia, pinatutuloy Pangulong Duterte
Mariin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Public Attorney’s Office (PAO) na huwag itigil ang pagsasagawa ng autopsy sa mga bangkay na hinihinalang nabiktima ng Dengvaxia vaccine.
Pahayag ito ng pangulo sa gitna ng panawagan ng grupo nina dating Health Secretary Espernaza Cabral na itigil na ang pagsasagawa ng autopsy dahil nagdudulot lamang umano ng takot ang ginagawa ng PAO sa iba pang naturukan ng Dengvaxia vaccine.
Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, pinasalamatan sila ng pangulo dahil sa hakbang na ginagawa nila.
Bukod sa PAO kasama rin sa pagpupulong sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at VACC founding chairman Dante Jimenez.
Ayon kay Jimenez, malinaw ang paninindigan ng pangulo na kakampi ng mga biktima ng Dengvaxia vaccine ang gobyerno.
Sinabi pa ni Jimenez na compassionate ang gobyerno at hindi arogante sa mga magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.