68 katao isinugod sa ospital sa Cebu dahil sa food poisoning
Aabot sa 68 katao ang isinugod sa iba’t ibang ospital sa Cebu City matapos mabiktima ng food poisoning.
Ang mga nalason ay kinabibilangan ng mga estudyantre, magulang at mga guro na dumadalo sa National Musabaqah Skills Exhibition sa Ecotech Center sa Barangay Lahug.
Ayon kay Nagiel Bañacia, pinuno ng city disaster risk reduction and management office, nakaranas ng pananakit ng tiyan, diarrhea, at pagsusuka ang mga biktima.
Dinala sila sa Perpetual Soccor Hospital at Cebu Doctors Hospital.
Posibleng ang kinain ng mga participant sa nasabing exhibit ang dahilan ng pananakit ng kanilang tyan.
Tiniyak naman ni DepEd – 7 information officer Amaryllis Villarmia na kontrolado na ang sitwasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.