Roque binatikos ni Poe sa pagtatanggol sa China

By Ruel Perez February 08, 2018 - 04:44 PM

Inquirer file photo

Hindi ikinatuwa ni Sen. Grace Poe ang naging pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na umanoy darating ang araw na pasasalamatan ng Pilipinas ang China dahil sa mga inokupa nitong mga isla.

Ayon kay Poe, hindi umano dapat na paasahin ang mga Pinoy na darating pa ang araw na isasauli ng China ang mga isla pinatayuan ng mga istraktura

Tanong pa ng senadora, gusto bang sabihin ni Roque na tulad ng isang tahanan na matapos na ilegal at pwersahan na pasukin at okupahin ng mga armadong kalalakihan ay darating ang panahon na dapat na magpasalamat pa sa mga nanghimasok.

Dagdag pa ni Poe, hindi na dapat pang umasa ang pamahalaan na darating ang araw na aabandonahin ng China ang kanilang mga itinayong isla.

Nauna ng sinabi ni Roque na darating din ang panahon na mauunawaan ng mga Pinoy ang tunay na dahilan ng pagtatayo ng China ng mga man-made island sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.

TAGS: China, grace poe, Roque, West Philippine Sea, China, grace poe, Roque, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.