Pinoy sugatan sa magnitude 6.4 na lindol sa Taiwan

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2018 - 11:56 AM

Isang Pinoy ang nasugatan matapos tumama ang malakas na magnitude 6.4 na lindol sa Taiwan.

Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Lito Banayo, isang Filipino caretaker ang nasugatan sa lindol sa Hualien.

Hindi muna pinangalanan ni Banayo ang Pinoy habang sinisikap pa nilang ma-contact ang pamilya nito sa Pilipinas.

Agad din nagpadala ng team ang MECO sa ospital kung saan dinala ang Pinoy para tignan ang kaniyang kondisyon.

“A Filipino caretaker, whose identity we are withholding until the family in the Philippines is informed, was injured in the Hualien earthquake. MECO team now proceeding to the hospital to check on her condition,” ayon kay Banayo.

Maliban sa isang nasugatang Pinoy wala pang natatanggap na impormasyon ang MECO na may iba pang OFWs na naapektuhan ng lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Filipino caretaker injured, magnitude 6.4, MECO, Taiwan quake, Filipino caretaker injured, magnitude 6.4, MECO, Taiwan quake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.