Aktibidad ng Bulkang Mayon muling dumalas simula kahapon hanggang ngayong umaga

By Dona Dominguez-Cargullo February 07, 2018 - 09:19 AM

Kuha ni Jan Escosio

Muling dumalas ang aktibidad ng Bulkang Mayon simula kahapon hanggang ngayong umaga ng Miyerkules, Feb. 7.

Ayon sa PHIVOLCS, mula alas 8:00 ng umaga ng Martes hanggang alas 8:00 umaga ng Miyerkules, umabot sa 78 na lava fountaining ang kanilang naitala.

May naitala ring 83 volcanic earthquakes.

May namonitor din ang PHIVOLCS na tuloy-tuloy na lava flow at degassing mula sa bumanganga ng Mayon.

Ayon sa PHIVOLCS, ang sulfur dioxide gas emission sa Mayon ay nananatiling mataas na umaabot sa 1,885 tonnes kada araw ang average.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Albay, Mt Mayon, Radyo Inquirer, Albay, Mt Mayon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.