Michael Martinez, patungo nang South Korea para sa Winter Olympics

By Rhommel Balasbas February 07, 2018 - 12:23 AM

 

Lumipad na patungong South Korea ang figure skater na si Michael Martinez para sa 2018 Winter Olympics sa Pyeongchang.

Kasama ang kanyang coach na si Slava Zagor ay umalis na ng California si Martinez na isa lamang sa dalawang kinatawan ng bansa sa naturang kompetisyon,

Bago iwan ang Los Angeles ay nagpasalamat si Martinez sa lahat ng fans na nananalangin at sumusuporta sa kanya.

Ang men’s short program para sa Olympics ay nakatakda sa February 16 alas-8 ng umaga sa Maynila na susundan ng men’s free skate sa February 17 sa kaparehong oras.

Tiniyak naman ng skater na siya ay handa kahit na kamakailan lamang nagawaran ng pwesto sa kompetisyon matapos hindi buoin ng Sweden ang bilang ng mga kinatawan nito.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na sasabak si Martinez sa Olympics matapos ang kanyang 19th place finish sa Sochi Winter Olympics noong 2014.

17 anyos pa lamang noon ang atleta at inaasahan niyang malalampasan ang naunang achievement.

Bukod kay Martinez ay lalaban din para sa Pilipinas si Asa Miller sa slalom skiing event sa February 18.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.