Beijing, naglunsad ng missile defense test

By Rhommel Balasbas February 07, 2018 - 02:35 AM

 

Ipinahayag ng China na matagumpay itong nakapagsagawa ng ground-based missile defense system test sa kabila ng nagpapatuloy pa ring tensyon sa Korean Peninsula.

Ayon sa pahayag ng Chinese Defense Ministry ay naisakatuparan ng Beijing ang inaasam nitong ‘goal’ sa pagsasagawa ng mid-range missile system.

Wala namang detalye na ibinigay ang ahensya sa uri ng mass weapon na isinailalim sa test.

Gayunman, nilinaw ng China na ang isinagawang test ay ‘defensive’ lamang at hindi layong targetin ang anumang bansa.

Nauna na ring nag-deploy ng missile defense system ang United States na tinatawag na THAAD sa South Korea upang mabantayan ito sa mga banta mula sa North Korea.

Ang naturang hakbang ng US ay nakatanggap ng kritisismo mula sa Beijing dahil isa umano itong banta sa kanilang seguridad.

Ang China ang pinakamalapit na economic at diplomatic partner ng North Korea.

Ngunit lumagda ito sa petisyon sa United Nations na mas paigtingin pa ang ipinapataw na sanctions sa Pyongyang upang matigil ang ginagawang pagpapalawig nito sa nuclear weapon program.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.