100-M halaga ng cocaine, natagpuang lumulutang sa dagat ng Isabela

By Jay Dones February 07, 2018 - 03:00 AM

 

Hindi bababa sa 100 milyong pisong halaga ng cocaine ang natagpuang lumulutang sa karagatang sakop ng Divilacan, Isabela, Martes ng umaga.

Ayon kay Sr. Inspector Jonathan Ramos, hepe ng Divilacan police, nadiskubre ang droga sa loob ng dalawang asul na plastic container ng ilang operator ng speedboat na napadaan sa lugar.

Laman ng mga container ang walong bag ng cocaine na tinatayang nasa 21 kilo na balut na balot ng packaging tape.

Agad namang itinurn-over ng lokal na pamahalaan ang natagpuang droga sa Philippine Drug Enforcement Agency.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.