Bongbong Marcos, iniatras na ang lahat ng mosyon sa PET

By Jay Dones February 07, 2018 - 12:55 AM

 

Lumagda na sa isang joint manifestation si dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos na layong iatras ang kanyang mga mosyon sa Korte Suprema na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal o PET.

Ayon kay Marcos, ito ay upang magtuluy-tuloy na ang pormal na ballot recount sa mga boto sa Vice Presidential race.

Paliwanag ni Marcos, nagawa na nila ang lahat upang mapabilis ang proseso kaugnay sa kanilang inihaing election protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa ngayon, kanilang hinihintay na lamang aniya ang magiging tugon ni VP Robredo upang lagdaan rin ang naturang dokumento.

Matatandaang naunang nanawagan ang kampo ni VP Robredo kay Marcos na pirmahan ang joint motion upang bawiin ang lahat ng mosyon na nakahain sa SC na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal.

Ang hakbang ay upang matiyak na wala nang magiging hadlang upang maisulong ang ballot recount sa mga botong nakuha ng dalawang kampo noong May 2016 vice presidential elections.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.