Niyanig ng isa na namang malakas na magnitude 6.4 na lindol ang baybayin ng eastern Taiwan, dakong alas 11:50 ng gabi.
Ayon sa US Geological Survey, naitala ang episentro ng lindol sa layong 22 kilometro sa east northeast ng Hua-lien.
Mababaw lamang ang pinagmulan ng pagyanig na naitala sa isang kilometro lamang.
Samantala, ayon naman sa Taiwan Central Weather Bureau, naramdaman ang Intensity 7 na pagyanig sa Central Hualien County at Yilan County.
Sa kasalukuyan, nakararanas pa rin ng mga aftershocks sa lugar.
Makailang ulit nang nakaranas ng malalakas na pagyanig ang Taiwan nitong mga nakaraang mga araw.
Matatandaang noong araw ng Linggo lamang, niyanig rin ng magnitude 6.1 na lindol ang Hualien, sa Taiwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.