Tatlong babae muntik nang maloko ng dayuhang illegal recruiter sa Dumaguete
Ipinakita sa media ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III ang tatlong biktima ng illegal recruitment matapos na maaresto ang recuiter na Arabian National na nakakulong na ngayon sa Dumaguete City.
Ayon kay Bello, pinangakuan umano sila ng Arab National na madaling makakaalis at hindi pa aabot sa isang buwan ay makakalipad ang mga ito patungong Saudi Arabia.
Naaresto ang Arab National sa isinagawang entrapment operation ng mga otoridad laban sa suspek na si Emad Hussein Hamdang.
Pinangakuan ni Hamdang ang mga biktima na sina Sarah Fean Fabros, Jenypher Alcoran at Maria Gracel Sarao na pawang taga-Dumaguete na madaling makaaalis patungong ibang bansa.
Paliwanag ni Bello, hinahanap din nila ang mga kasabwat ng suspek dahil naniniwala ang kalihim na hindi umano makakikilos ang suspek ng mag-isa lamang.
Umapela rin ang kalihim sa mga nabiktima ng illegal recruiter na dapat ituloy nila ang reklamo dahil kapag naisampa na umano sa korte ay biglang nawawala ang mga complainant kaya hindi umuusad ang kaso at hindi rin naparurusahan ang mga may sala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.