PNoy nagpaliwanag kung bakit sa Iloilo ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan

June 12, 2015 - 02:27 AM

PNoy
Larawan mula sa Gov.ph

Pinangunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang paggunita sa ika-117 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Santa Barbara Iloilo.

Sa simula ng kaniyang talumpati, nagpaliwanag ang Pangulong Aquino kung bakit sa Iloilo niya napiling ipagdiwang ngayon ang Independence Day.

Ayon kay PNoy, bagaman maraming pangyayari na may kaugnayan sa kalayaan na naganap sa Maynila at mga karatig na lugar, bilang Pangulo ng bansa ay mas pinili niyang ikutin ang Pilipinas sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

“Bilang Pangulo, tayo naman po ay umiikot sa bansa, dahil alam nating ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng pagkilos at paglaban ng napakaraming Pilipino, nasaan man silang bahagi ng Pilipinas,” sinabi ng Pangulo

Ayon sa Pangulo, noong 2011, sa Kawit, Cavite siya nagdiwang ng Independence Day; sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan noong 2012; sa Liwasang Bonifacio sa Maynila noong 2013; at sa Naga Camarines Sur noong 2014.

Para sa taong ito, sinabi ni PNoy na pinili ang Santa Barbara, Iloilo bilang pagkilala sa ambag naman ng Kabisayaan sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa. Sa susunod na taon, sinabi ni PNoy na balak naman niyang magtungo sa isang lalawigan sa Mindanao para gunitain ang Araw ng Kalayaan.

“Ngayon po, nagtitipon tayo dito sa Sta. Barbara, Iloilo bilang pagkilala sa ambag ng Kabisayaan sa pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa susunod pong taon, balak naman nating tumungo sa isang lalawigan sa Mindanao, upang doon tumingala sa watawat at magbalik-tanaw sa kabayanihan ng atin pong mga ninuno,” dagdag pa ni PNoy./Alvin Barcelona

TAGS: Iloilo, independence day, PNoy, Radyo Inquirer, Santa Barbara, Iloilo, independence day, PNoy, Radyo Inquirer, Santa Barbara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.