Pamahalaan mangunguna sa pagtitipid sa pag-gamit ng tubig
Pinaghahanda na ng Palasyo ng Malacanang ang publiko sa mga serye ng water interruptions bilang paghahanda sa malawakang epekto sa bansa ng El Nino phenomenon.
Sa harap ito ng abiso ng mga Maynilad Water Company patungkol sa pagpapalawak sa 20-hours kada araw ng water interruption sa mga consumers nila. Sinabi ng palasyo na ang pagtitipid ng tubig ay responsibilidad ng lahat pati na ng pamahalaan.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma Jr., dahil sa inaasahang impact ng El Nino ang water interruptions ay bahagi ng mga hakbangin para matiyak na lahat ay makakatanggap ng sapat na suplay ng tubig lalo na sa papasok na bakasyon at panahon ng tag init.
Ngayong araw na ito ay idineklara ng PAGASA na pormal nang nagsimula ang strong El Nino kaya pa asahan pa ayon sa Malacanang ang mas mainit panahon na mararanasan sa buong bansa.
Idinagdag din ng kalihim na maglalabas ng direktiba ang Palasyo sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno na pangunahan ang pagtitipid sa pag-gamit ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.