Panibagong Low Pressure Area binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo February 06, 2018 - 06:03 AM

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa Eastern Samar.

Huling namataan ang LPA sa 350 kilometers east ng bayan ng Guiuan.

Ayon sa PAGASA, maliit pa ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang LPA pero magdudulot pa rin ito ng pag-ulan sa Eastern Visayas at sa Mindanao.

Partikular na apektado ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa LPA ang Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Davao region.

Samantala, northeast monsoon naman ang nakaaapekto sa Cagayan Valley region, Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: LPA, NortheastMonsoon, Pagasa, Radyo Inquirer, weather update, LPA, NortheastMonsoon, Pagasa, Radyo Inquirer, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.