AFP at PNP, binalewala ang banta ng NPA na pagpatay ng isang sundalo kada araw
Ipinagkibit-balikat lamang ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang banta ni Communist Party of the Philippines Founding Chair Jose Maria Sison na kaya ng New People’s Army na pumatay ng isang sundalo kada araw hanggang sa ituloy ng pamahalaan ang peace talks.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, ang banta ng CPP-NPA ay nagpapakita lang ng tunay na kulay ng mga komunista na walang interes sa kapayapaan.
Dagdag pa ni Arevalo, may banta man o wala ay laging handa ang AFP na protektahan ang publiko at kanilang sarili laban sa mga pag-atake ng mga kalaban ng gubyerno.
Tiniyak pa ni Arevalo na hindi magpapatinag ang militar sa layuning isulong ang peace and development at infrastructure development sa mga kanayunan, sa kabila ng banta mula sa CPP-NPA.
Samantala, panig naman PNP, sinabi ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na sa ngayon ay nasa ‘attack mode’ ang pambasang pulisya at wala umano silang magagawa kundi idepensa ang kanilang mga sarili kung sakaling aatake ang mga CPP-NPA terrorists.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.