Dengvaxia hindi pa rehistrado France nang ibakuna sa mga bata sa Pilipinas ayon sa Sanofi

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon February 05, 2018 - 12:17 PM

Inamin ng Sanofi Pasteur na hindi pa rehistrado ang Dengvaxia sa European Union drug authority nang ito ay gamitin sa Pilipinas at iturok sa mga batang edad 9 pataas.

Sa pagdinig sa kamara, sinabi ni Thomas Triomphe, Asia-Pacific head ng Sanofi Pasteur, ang Dengvaxia na ginawa para sa mga bansang mataas ang kaso ng dengue ay hindi prayoridad sa Europe.

Aminado si Triomphe na sa ngayon nasa proseso pa ng “certification” ang Dengvaxia, at kahit hindi pa ito rehistrado sa European Medicines Agency ay naipakita naman na ang pagiging ligtas at epektibo nito.

Ayon kay Iloilo Rep. Ferjenel Biron, hindi dapat tinanggap ng Pilipinas ang Dengvaxia dahil hindi ito aprubado ng European FDA.

Nakapagtataka aniyang naipasok at inangkat ng Pilipinas ang nasabing produkto kahit hindi ito rehistrado sa European Medicines Agency na katumbas ng FDA sa Pilipinas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Dengvaxia Vaccine, House of Representatives, Sanofi Pasteur, Dengvaxia Vaccine, House of Representatives, Sanofi Pasteur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.