2 sugatan sa banggaan ng motorsiklo at kotse sa Ermita, Maynila

By Mark Makalalad February 05, 2018 - 08:53 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Sugatan ang dalawang lalaki matapos bumangga ang sinasakyan nilang motor sa sasakyan na padaan sa Taft Avenue kanto ng UN Avenue sa Ermita, Maynila.

Tama sa tuhod ang tinamo ng driver ng motorsiklo na si Archie Comendador, habang sugat sa paa naman ang tinamo ng kanyang angkas na si Edgar Timbas, 32.

Ayon kay Timbas, pauwi na sana sila ni Comendador sa Parola, Tondo pasado alas-2:30 ng madaling araw nang biglang salpukin sila nang humaharutot na kotse habang patawid ng Taft Avenue.

Taliwas naman ito sa pahayag ng Grab driver na si Nathaniel Saladino.

Kwento ni Saladino, binabagtas niya ang Taft Avenue southbound nang salpukin siya ng motorsiklo.

Nabasag ang isang headlight at bahagyang nayupi ang unang bahagi ng kotse.

Samantala, sa kabutihang palad, hindi naman nasugatan ang pasahero na sakay ng Grab driver.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, motorcycle, suv, accident, motorcycle, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.