Number coding, ipatutupad na sa Cavite mula ngayong araw
Epektibo na mula ngayong araw, February 5 ang number coding sa lalawigan ng Cavite.
Ang number coding ay iiral alas 7:00 hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 3:00 ng alas 7:00 ng gabi.
Sakop ng number coding ang mga sumusunod na kalsada:
- Aguinaldo Highway (from Bacor to Dasmariñas-Silang boundary)
- Molino-Salawag-Paliparan Road (from Zapote, Bacoor to Paliparan, Dasmariñas)
- Molino Boulevard (Aguinaldo Highway to Molino-Salawag-Paliparan Road)
- Governor’s Drive (from Carmona to Trece Martires City-Tanza boundary)
Ang mga pribadong sasakyan, vans at mga truck ang sakop ng number coding.
Habang exempted naman sa coding system ang mga PUVs, school buses, motorsiklo, emergency at government vehicles, at mga sasakyan na mayroong Philippine Economic Zone Authority (PEZA) registration stickers.
Noong January 9 nagsagawa na ng dry run ang provincial government para sa number coding.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.