Kakayahan ng Pilipinas na gumawa ng sariling barko, dapat isulong – Sen. Gordon

By Kabie Aenlle February 05, 2018 - 02:09 AM

 

Naniniwala si Sen. Richard Gordon na kayang kaya ng Pilipinas na bumuo ng sarili nitong shipbuilding industry.

Ito’y upang matiyak ang kakayanan ng militar ng bansa para mabantayan ang kaligtasan at seguridad ng Pilipinas at ng mga karagatang sakop ng teritoryo nito upang maiwasan ang pamimirata, terorismo at pang-aangkin ng ibang bansa.

Ayon kay Gordon, may ilang malalaking kumpanya ng shipbuilding sa bansa, tulad na lamang ng Hanjin Heavy Industries sa Subic, Zambales.

Paliwanag ng senador, archipelagic ang Pilipinas kaya dapat mayroong kakayanan ang bansa na gumawa ng mga sariling barko.

Dapat aniya ay mayroong mga barkong ginagamit ang militar na gawang Pinoy partikular na iyong galing Cebu o sa Subic.

Kailangan aniyang isulong ang pagpapalakas sa pwersa ng militar lalo’t nahaharap ang bansa sa “internal and external threats.”

Maliban dito, dapat din aniyang laging igiit ang pag-aari ng Pilipinas sa national territory kabilang na ang Scarborough Shoal at Benham Rise.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.