326 na NPA, sumuko nitong Enero ayon sa AFP

By Kabie Aenlle February 05, 2018 - 01:49 AM

 

Pumalo sa 326 ang kabuuang bilang ng mga sumukong rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga sundalo.

Ang nasabing bilang ay naitala lamang sa buong buwan ng Enero 2018.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs chief Lt. Col. Emmanuel Garcia na, isa sa mga pinakamalaking personalidad na sumuko sa kanila ay si Gemma Quiroga mula sa Davao Oriental.

Si Quiroga kasi ay nagsilbing squad medic ng NPA sa Davao Oriental at dati ring naging pinuno ng maka-kaliwang organisasyon na Anakpawis sa Mati City.

Sumuko si Quiroga sa mga sundalo ng 28th Infantry Battalion noong January 27.

Sa kabila ng malaking bilang, sinabi naman ni AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo na masyado pang maaga para masabing matatalo na nila ang rebeldeng grupo.

Gayunman, kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon, baka matapos nila sa loob ng nakatakdang timeframe ang target na wakasan ang insurgency sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.