Private plane, nag water-landing sa Palawan, 2 sugatan

By Jay Dones February 04, 2018 - 06:46 PM

 

Bahagyang nasugatan ang dalawang dayuhang lulan ng isang pribadong eroplano makaraang itong mapilitang mag-landing sa dagat sa San Vicente Palawan, Linggo ng tanghali.

Kinilala ang mga lulan ng eroplano na sina Muniandy Harihalan, piloto ng eroplano at isang Malaysian, 23-anyos at ang pasahero nitong si Max Edward Harvey, 28-anyos, isang Briton.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, patungo sana ang 4-seater Piper Aztec plane na pagmamay-ari ng Helitrend Corp. sa Sangley Point sa Cavite City mula sa Palawan nang makaranas ito ng engine trouble sa kanyang pag take-off.

Lulan umano ng eroplano ang mga buhay na isda.

Dahil dito, napilitan ang piloto na ilapag sa baybayin ng Sitio Landing, Bgy. Agutaya sa bayan ng San Vicente ang nasiraang eroplano.

Agad namang tinulungan ng mga nakasaksing residente ang mga pasahero ng eroplano.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng CAAP sa posibleng dahilan ng naranasang problema sa makina ng eroplano.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.