PAO, pinatatahimik ang mga doktor na tutol sa pagsasagwa ng autopsy sa mga umano’y Dengvaxia victims

By Chona Yu February 04, 2018 - 01:03 PM

Inquirer file photo

Pinatatahimik ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda Acosta ang mga doktor na kumukwestyun sa pagsasagawa ng autopsy ng kanilang hanay sa mga bangkay na hinihinalang biktima ng Dengvaxia vaccine.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Acosta na hindi dapat na pinakikialaman ng mga doktor ang mga medico medical case.

Gayunman, sinasabi ni Acosta na kanyang iginagalang ang kaalaman ng mga doktor pero hindi na dapat na nakisawsaw sa isyu lalo na kung naging iskolar sila ng kumpanyang Sanofi Pasteuer na gumawa ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Acosta, may sapat na karanasan ang mga forensic expert ng PAO at kumpleto sa eksaminasyon gaya ng clinical record.

Pinalalabas lamang aniya ng mga doktor na may pinagtatakpan sila sa kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine.

TAGS: Dengvaxia, doh, PAO, Sanofi Pasteur, Dengvaxia, doh, PAO, Sanofi Pasteur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.