Lalaki arestado sa pamamaril sa mga foreigners sa Italy

By Rhommel Balasbas February 04, 2018 - 04:57 AM

Inaresto ng mga awtoridad sa Italy ang lalaking pinaghihinalaang nagsasagawa ng ‘drive-by shootings’ sa mga foreign nationals sa bayan ng Macerata sa Italy.

Nakilala ang suspect na si Luca Traini, 28 na mayroon pang Italian flag na nakapulot sa leeg nang maaresto ng mga pulis.

Target ng suspek ang mga African immigrants ayon sa awtoridad.

Hindi bababa sa anim na katao ang nasugatan bunga ng pamamaril.

Napag-alamang kumandidato pa sa kalapit ng bayan na Corridonia ang suspek sa 2017 local elections sa ilalim ng anti-migranteng partido, Northern League Party, ngunit hindi nakatanggap ng kahit isang boto.

Ayon kay Macerata Mayor Romano Carancini, ‘racially motivated’ ang ‘drive-by shootings’ ni Traini at hinihinalang konektado sa pagpatay sa 18-anyos na babaeng Italian kamakailan kung saan naaresto ang isang Nigerian.

Ayon kay Carancini, dapat ay makiisa ang lahat na labanan ang pagkamuhi.

Samantala, patuloy na ginagamot sa ospital ang mga sugatan kung saan isa ang nasa kritikal na kondisyon.

Patuloy na kinukwestyon ng mga awtoridad ang suspek na nakuhaan ng baril sa kanyang sasakyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.