Number coding scheme ipapatupad na sa Cavite simula bukas

By Justinne Punsalang February 04, 2018 - 04:54 AM

Bukas, February 5, ay magsisimula nang ipatupad ng pamahalaang lokal ng Cavite ang number coding scheme sa buong lalawigan.

Sa isang pahayag, nakasaad na sa lahat ng mga pangunahing kalsada ipapatupad ang number coding scheme. Ito ay ang kahabaan ng Aguinaldo Highway, Governor’s Drive, at Molino Road.

Ibig sabihin lahat ng mga sasakyan na mayroong plate number at conduction sticker na nagtatapos sa 1 at 2 ay hindi maaaring bumyahe kapag Lunes, 3 at 4 kapag Martes, 5 at 6 kapag Miyerkules, 7 at 8 kapag Huwebes, at 9 at 0 kapag Biyernes.

Epektibo lamang ang naturang number coding scheme simula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga, at alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.