Acosta: Pagsasagawa ng forensic examination sa mga biktima ng Dengvaxia, hiling ng mga pamilya

By Justinne Punsalang February 04, 2018 - 02:19 AM

Mismong ang mga pamilya ng mga batang sinasabing namatay dahil sa Dengvaxia ang humiling sa Public Attorney’s Office (PAO) na isailalim ang mga bangkay sa forensic examination.

Ito ang naging tugon ni PAO Chief Percida Acosta matapos sabihin ni dating Department of Health (DOH) Secretary Esperanza Cabral na dapat nang itigil ng PAO ang kanilang ginagawang pagsusuri sa mga namatay umano dahil sa Dengvaxia.

Ani Acosta, maaari namang magsagawa ng sariling forensic examination ang DOH kung nagtitiwala sa kanila ang mga magulang ng mga biktima.

Ngunit aniya, desisyon ng mga pamilyas ng mga bata kung kanino nila gustong ipatingin ang dahilan ng kamatayan ng kanilang kaanak.

Dagdag pa ni Acosta, mismong ang mga pamilya ang lumapit sa kanila para isagawa ang forensic examination na ginagawa naman ng kanilang mga ‘credible at non-conflicted pathologists.’

Nauna nang sinabi ni Cabral at ng kanyang pinamumunuang Doctors for Public Welfare (DPW) na dapat ay tanging mga ‘competent forensic pathologists’ ang nagsasagawa ng eksaminasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.