La Salle, wagi kontra UST sa UAAP Season 80 women’s volleyball cup

By Rhommel Balasbas February 04, 2018 - 01:58 AM

Bigo ang University of Santo Tomas na magwagi sa defending champions De La Salle University sa katatapos lamang nilang laban sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.

Wagi ang Lady Spikers sa mga iskor na 25-20, 17-25, 25-22, 15-25, 15-8 na swak upang daigin ang Golden Tigresses.

Bagaman wala na ang setter na si Kim Fajardo ay naging balanse ang pagdepensa ng mga beterano ng Lady Spikers dahilan para manalo.

Naitala ng De La Salle ang 37 excellent sets na lamang ng 11 sa UST.

Ayon kay La Salle head coach Ramil de Jesus, hindi talaga nila inaaasahang madadalian silang talunin ang UST.

Passing grade lang anya ang ibibigay niya sa kanyang mga manlalaro dahil nanalo ito sa ngayon ngunit masaya siyang nakita ang karakter ng koponan sa fifth set.

Nanguna para sa La Salle si reigning MVP Mary Joy Baron na may 19 points na sinundan nina Desiree Cheng at Aduke Ogunsanya na may tig-12 at 10 points.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.