Temporary classrooms ibinigay ng Turkish Red Crescent Society para sa Mayon evacuees

By Justinne Punsalang February 04, 2018 - 01:41 AM

Limang malalaking inflatable tents ang ibinigay ng Turkish Red Crescent (TRC) Society para magsilbing temporary classrooms para sa mga Mayon evacuees.

Huwebes nang iturnover ng TRC Society ang mga tent sa Philippine Red Cross. Nagkaroon pa muna ng demonstration kung paano ito gamitin sa Philippine Red Cross Multipurpose Hall and Logistics Center.

Sa isang Twitter post ay nagpasalamat si PRC Chair at CEO Richard Gordon sa TRC Society.

Aniya, sa loob lamang ng 30 minuto para maitayo ang mga tent ay maaari nang muling makapag-aral ang mga kabataan sa Albay.

45 mga mag-aaral ang kasya sa 56-square meter na tent na balak itayo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga bayan ng Camalig, Malilipot, at Guinobatan.

Bukod sa mga tents ay binubuo ng PRC ang 10 latrines o portable rest rooms sa mga evacuation centers sa Guinobatan at Malilipot.

Sa ngayon ay nananatili sa alert level 4 ang Bulkang Mayon, bagaman dalawang araw nang matamlay ang volcanic activity nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.