Malacañang umamin na delay ang pagpasok ng bagong telco sa bansa
Malabong pumasok na sa bansa ang ikatlong telecommunications company sa unang quarter ng kasaluyang taon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ito ay ayon sa ulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Gayunman, hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Roque.
Ayon sa opisyal, nakatakdang itong talakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpupulong ng gabinete sa Lunes.
Ani Roque, ikalawa sa kanilang agenda ay ang pagkakaroon ng bagong telecom player sa bansa.
Umarangkada na ang formal selection process ng gobyerno noong Enero para sa bagong telecom player at posibleng pangalanan na nila kung anong kumpanya ito sa katapusan ng buwan ng Marso.
Una nang ipinahayag ni Duterte na nais niyang magsimula nang mag-operate ang ikatlong telco sa unang quarter ngayong taon para mapabuti ang internet connectivity sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.