70 luxury vehicles dudurugin ni Duterte sa harap ng publiko sa Martes

By Den Macaranas February 03, 2018 - 02:31 PM

Inquirer file photo

Kinumpirma ng Malacañang na dudurugin sa araw ng Martes sa susunod na linggo ang halos ay 70 mga mamahaling sasakyan na nasabat sa Port Area sa Maynila.

Sa press briefing sa Laoag City, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sasaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-bulldozer sa mga luxury vehicles kasabay ng 116th anniversary ng Bureau of Customs.

Nauna nang sinabi ng pangulo na sisirain ang mga nakumpiskang smuggled goods kasama na ang mga mamahaling mga sasakyan.

Ayon kay Duterte, madalas na iyung mga smugglers rin ang bumibili sa mga nakumpiskang kontrabando kapag ito ay isinubasta na ng BOC.

Sa pagkakataong ito ayon sa pangulo ay hindi na siya papayag na maisahan ng mga smugglers ang pamahalaan.

Kabilang sa mga nakatakdang durugin sa anibersaryo ng BOC ay ang ilang mga Sports Utility Vehicles (SUVs) at ilang mga sports car na nakumpiska sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

TAGS: BOC, duterte, Roque, smuggling, sports car, suv, BOC, duterte, Roque, smuggling, sports car, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.