Pimentel: P3.8 Billion na ibinayad sa kontratista ng MRT dapat ibalik sa gobyerno

By Den Macaranas February 03, 2018 - 01:56 PM

Radyo Inquirer

Gusto ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na ibalik sa pamahalaan ng Dalian Locomotive and Rolling Stocks Co. ng China ang P3.8 Billion na kanilang kinita mula sa pamahalaan ng Pilipinas.

Kaugnayan ito sa sablay na maintenance ng mga tren ng MRT 3.

Ipinaliwanag ni Pimentel na hindi sapat na putulin ang kontrata sa Dalian dahil sa halos araw-araw na aberya sa MRT 3 kaya dapat lang umano na ibalik nila ang kinita nila sa masamang serbisyo bilang maintenance provider.

Hindi rin pabor ang senate president sa naging pahayag ng Department of Transportation na isasauli sa China ang mga bagon na binili ng nakalipas na administrasyon.

Hanggang ngayon ay nakatengga lamang at itinuturing na white elephant ang nasabingmga bagon dahil hindi ito akma sa kasalukuyang sistema ng MRT 3.

Dagdag pa ni Pimentel, hindi dapat malagay sa panganib ang buhay ng mga sumasakay sa MRT 3 dahil lamang sa sablay na pamamahala ng nakalipas na pamahalaan.

TAGS: dalian, maintenance provider, MRT, Pimentel, dalian, maintenance provider, MRT, Pimentel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.