P18.5M #ForMindanao campaign, inilunsad ng US embassy

By Rhommel Balasbas February 03, 2018 - 04:38 AM

US Embassy photo

Inilunsad ng United States (US) Embassy sa Pilipinas ang ‘#ForMindanao campaign’ na layong suportahan ang tumatakbong 37 proyekto sa buong rehiyon ng Mindanao.

Bahagi ng naturang kampanya ang patuloy na pagtulong ng embahada sa mga biktima ng naging krisis sa Marawi.

Ayon sa US embassy, pangungunahan ang proyekto ng mga Filipino alumni ng ‘US-government sponsored exchanges’ partikular ang mga may kasanayan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga tao sa Marawi at karatig-lugar.

Tatagal ang buong kampanya ng isang taon at inaasahang makatutulong sa 13,500 katao at sesentro sa mga ‘out-of-school youth’, mga mag-aaral sa kolehiyo, ‘madrasa students’ at kababaihan ng Mindanao.

Ang pokus ng kampanya ay ‘economic development’, ‘educational enrichment’ at pagtugon sa ‘psycho-social effects’ ng kaguluhan sa Mindanao.

Sa kasulukuyan, aabot na sa 1 bilyong piso ang inanunsyong ayuda ng gobyerno ng US para sa rehabilitasyon ng Marawi at mga karatig lugar sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.