Pulis at kartero ng Philpost, arestado sa sabungan sa Pangasinan

By Kabie Aenlle February 03, 2018 - 04:34 AM

Arestado ang isang pulis at isang kartero sa sabungan sa Aguilar, Pangasinan.

Nakilala ang mga naaresto na sina PO1 Michael Moreno na mula sa San Clemente police station sa Tarlac, at Mars Guiwo Quiñones na isang kartero ng Philippine Postal Corp. (Philpost) sa bayan ng Mangatarem.

Sina Albano at Quiñones ang mga unang empleyado ng pamahalaan na naaresto sa naturang bayan dahil sa pagpasok sa sugalan.

Matatandaang naglabas na si Pangulong Rodrigo Duterte ng direktiba noong nakaraang linggo na nagbabawal sa mga empleyado ng gobyerno na pumasok sa mga sugalan tulad na lang ng casino.

Bahagi ito ng kampanya ng pamahalaan laban sa marangyang pamumuhay ng mga lingkod bayan.

Naisagawa ang operasyon nang makatanggap ng tip ang pulisya ukol sa presensya ng dalawa sa sabungan.

Si Quiñones ay nahuli habang suot pa ang isang shirt ng Philpost.

Hindi naman sila pumalag sa pag-aresto sa kanila ng mga pulis.

Ayon kay Aguilar police chief Senior Insp. Rowel Albano, nagpaskil na siya noong nakaraang linggo ng paalala sa labas ng sabungan ng paalala na ipinagbabawal ang pagpasok at pagsusugal ng mga tauhan ng gobyerno doon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.