Dagdag na premium contribution, idinepensa ng PhilHealth
Iginiit ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na long overdue na ang pagpapatupad ng dagdag sa premium contribution ng kanilang mga miyembro.
Sa statement, sinabi ni PhilHealth Interim/OIC President and CEO Dr. Celestina Ma. Jude de la Serna na sa pamamagitan ng ipatutupad na adjustment, lalo pang lalakas ang financial situation ng PhilHealth upang matugunan ang health insurance benefit packages at frontline services.
Kinakailangan na aniya ang premium rate adjustment upang patuloy na maibigay ng PhilHealth ang benefit packages sa kailangan ng kanilang mga miyembro.
Sa mga susunod na panahon, nakatakdang palawigin ng PhilHealth ang kanilang Primary Care Benefit (PCB) 1 Package sa mga employed members.
Kasama sa nasabing package ang primary care consultations, risk profiling sa hypertension at diabetes, periodical breast examination, at iba pa.
Nakatakda na ring ipatupad ng PhilHEalth ang four Z benefit packages para sa mga bata na mayroong disabilities, gaya ng hearing impairment, visual impairment, mobility at developmental disabilities.
Ang mga bata na mayroong developmental disabilities ay magiging entitled na sa PhilHealth benefits na nagkakahalaga ng P3,626 hanggang P5,276; habang ang claim para sa mobility impairment ay magsisimula sa P13,110 ang halaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.