LOOK: Traffic rerouting para sa rehabilitasyon ng Sevilla Bridge sa San Juan
By Dona Dominguez-Cargullo February 02, 2018 - 04:07 PM
Inilabas na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang traffic plan nito para sa pagsisimula ng rehabilitasyon sa Sevilla Bridge sa San Juan City.
Sisimula ang pagsasaayos sa nasabing tulay sa Sabado, February 3.
Ang Sevilla Bridge ang nagdudugtong sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City at sa P. Sanchez sa Maynila.
Sa abiso ng MMDA, sa mga motorista na pa-eastbound narito ang maaring daanan:
- From Magsaysay Boulevard
- Kanan sa Old Sta. Mesa/Valenzuela Street at kanan sa Cordillera
- Kaliwa sa Lubiran patungong Boni Avenue hanggang Maysilo roundabout
- Exit sa F.B. Martinez Avenue
- Kanan sa Shaw Blvd patungong destinasyon
- From Magsaysay Boulevard
- Kanan sa V. Mapa at kanan muli sa Old Sta. Mesa
- Kaliwa sa Reposo Street, kaliwa sa Valenzuela, at kanan sa V. Mapa
- Kanan sa Bagumbayan Street at kaliwa sa Lubiran
- Kaliwa sa Kalentong at kanan sa Shaw Blvd patungo sa destinasyon
Sa mga motorista na pa-westbound:
- From Shaw Boulevard
- Kanan sa F. Blumentritt St.
- Kaliwa sa F. Manalo St. at kanan sa Old Santa Mesa
- Kaliwa sa Araneta Avenue patungo sa destinasyon
- From Shaw Boulevard
- Kanan sa Gomezville/Hoover/Haig
- Kanan sa F. Blumentritt St.
- Kaliwa sa F. Manalo St. at kaliwa sa Old Santa Mesa
- Kanan sa V. Mapa
- Kaliwa sa Aurora Boulevard patungo sa destinasyon
- From Shaw Boulevard
- Kanan sa F. Blumentritt St. patungong N. Domingo Street patungo sa destinasyon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.