Pag-aresto kay Baylosis hindi bahagi ng crackdown ayon kay Bello
Itinanggi ni Presidential Adviser on the Peace Process Silvestre Bello III na ang pag-aresto kay National Democratic Front Consultant Rafael Baylosis ay crackdown sa mga maka-kaliwang grupo.
Ayon kay Bello, ang mga NDF consultants ay binigyan ng pansamantalang kalayaan dahil kasama sila sa peace talks.
Pero kanselado anya ang usapang pangkapayapaan kaya wala ng dahilan na manatili sila sa labas.
Dagdag ni Bello, wala ng pupuntahan ang NDF consultants kaya nais ng gobyerno na bumalik na sila.
Pero paglilinaw ng kalihim, ang mga NDF consultants na wala namang kaso ay hindi aarestuhin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.