Makati Police, hindi makapagsagawa ng Oplan Tokhang dahil blangko ang drug list sa lungsod
Kung sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ay umarangkada nang muli ang Oplan Tokhang mula noong Lunes, sa Makati City, hindi pa abala ang mga “Tokhangers”.
Ayon kay Makati police chief Senior Supt. Gerardo Umayao, sa listahan na nagmula sa Philippine National Police – Directorate for Intelligence, walang drug personalities na nakalista na taga-Makati.
Ani umayao, maaring ang mga drug personalities sa lungsod ay nagsisuko na, naaresto o umalis sa lungsod.
Hindi aniya maaaring makapagsagawa ng house-to-house visit ang kanilang mga “Tokhangers” sa bahay ng mga taong wala naman sa illegal drugs watchlist.
Ani Umayao, maghahanda na lamang sila kung sakaling magkakaroon ng panibagong listahan at may madadagdag na taga-Makati.
Kinumpirma naman ni Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., Southern Police District director ang kawalan ng drug personalities sa Makati base sa listahan ng PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.